Huwebes, Hulyo 4, 2013

Issue One: Taga-Pakil ka kung...

by Vonna Vista



Aminin na natin, iba ang kulturang Pakil. Mula sa mga malalalim na pagsasaliksik, atin pong tunghayan ang mga katangian ng isang tunay na Pakilenyo.

  • Suki ka sa Turumba Spring Resort - at dire-diretso ka lang sa loob na walang bayad.
  • Naka-ahon ka na Mt. Ping-As at alam mo ang madaming shortcut dito. Minsan pag hard-core ka, mas trip mo pang dumaan sa Inumpog.
  • Alam mo na ang Monterey ay hindi lamang isang Meat Shop.
  • Madalas mong nadadaanan ang Bahay ni Dalena pero hindi ka pa nkakapasok dito.
  • Alam mo ang secret shop ni Ka Elex. (Hala, alam mo nga ba?)
  • Alam mong pwedeng pumunta ng Taiwan ng palakad o pa-tricycle.
  • Nakapag-Turumba ka na - ikot sa simbahan, libot bayan at sa Intramuros. Nakasama ka na sa train-trainan ni Ka Billy. .
  • Alam mo kung saan ang Marsi at ang tanging tubig na trip mo ay ang tubig na inigib sa Marsi (allergic ka kasi sa ibang tubig)
  • Nakapunta ka na sa Estaca at nakapag-muni muni na sa sunset dito
  • Alam mo na hindi lang piyesta ang Turumba, dahil isa rin siyang super mart, hardware store, bangko at Children's Choir.
  • Alam mo na may "Bicol Region" sa loob ng Pakil.
  • Nakakain ka na ng Halo-halo sa Lerma's at sa Macabasco.
  • Alam mo kung nasaan ang Bato ni Royo.
  • Alam mo ang Beatles ay hindi lang isang banda kundi isa ring kainan.
  • Nakasali ka na sa Street Dancing sa Turumba Festival (Turumba Sa Birhen! Hey!)
  • Na-experience mo na ang walang kapantay na Salibanda sa Pakil. (Tubig pa!)
  • Mortal na kalaban mo ang mga taga-ibaba kung taga-ilaya ka, at vice-versa.
  • Alam mo kung saan ang Malaking Bunton.
  • Miyembro ka ng dalawa o higit pang grupo sa Facebook na tungkol sa Pakil.
  • Nakakain ka na sa Manay at nakapag-lugaw ka na sa Gonzales.
  • Alma mo na hindi lang pito ang barangay sa Pakil. 
  • Alam mo na walking distance lang ang Saray (Talaga lang ha?!)
  • May damit ng Birhen ka sa wallet mo (o iba pang gamit).
  • Alam mo na ang bagong daan sa Rizal ay luma na.
  • Nakapg-shopping ka na sa M&W at TSM.
  • Matatawa ka sa salitang "Katiro" (Itanong sa matatanda)
  • Tropa mo sina Tetet, Loni, Paso, Mac-mac, Vilma, Perba, Pare, Linta, Pipaw at si Ramon (tuhut) 

*** PAUNAWA: Isa lamang po itong gawa-gawang listahan na karamihan ay base sa katotohanan, wala po sanang mapi-pikon.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento